Magandang araw sa inyong lahat! Welcome sa artikulo natin sa buwan na ito kung saan pag-uusapan natin ang mga kamalian sa nakaraang buwan. Sana ay mapulutan ninyo ito ng aral at magsilbing gabay sa mga susunod na proyekto. Kung may gusto kayong idagdag rito o kung may tanong man kayo kaugnay sa mga nabanggit sa artikulong ito, o kahit sa mga nakaraang artikulo, huwag mag-atubiling mag-iwan ng mensahe. Ikakagalak kong makarinig mula sa inyo.
Sa aking pagsusuri, nakita ko na ang pinakamarami sa mga kamalian ay kaugnay sa paggamit ng maling panghalip. Halos araw-araw sa buwan ng Pebrero ay nangyari ito. Magbibigay ako ng ilang mga halimbawa hango sa mga proyekto para sa mas malinaw na paglalarawan.
Maling panghalip
EN: Dear XYZ families, please register for this meeting if you haven’t done so yet.
TL: Mahal na mga pamilya ng XYZ, mangyaring magparehistro sa pagpupulong na ito kung hindi mo pa ito nagagawa.
TL binago: Mahal na mga pamilya ng XYZ, mangyaring magparehistro sa pagpupulong na ito kung hindi pa ninyo ito nagagawa.
EN: Dear XYZ families, please check if your students will have any signs of illness during the vacation.
TL: Mahal na mga pamilya ng XYZ, mangyaring suriin kung ang iyong mag-aaral ay may anumang senyales ng karamdaman sa panahon ng bakasyon.
TL binago: Mahal na mga pamilya ng XYZ, mangyaring suriin kung ang inyong mag-aaral ay may anumang senyales ng karamdaman sa panahon ng bakasyon.
EN: Dear XYZ families, we congratulate you!
TL: Mahal na mga pamilya ng XYZ, binabati ka namin!
TL binago: Mahal na mga pamilya ng XYZ, binabati namin kayo!
Makikita sa mga halimbawa sa itaas na ang paksa ng mga pangugunsap ay nasa pangmaramihang anyo, ngunit ang mga panghalip na ginamit sa mga pagsasalin ay pang-isahan. Ikinalulungkot kong sabihin na karaniwan itong nangyayari sa mga proyekto, bawat buwan, at sa tingin ko ang buwan ng Pebrero ang may pinakamaraming kasong ng kamalian na ito. Gusto kong hilingin ang ating mga tagapagsalin na pagtuunan ito ng pansin at subukang mabuti na iwasto ito sa darating na mga buwan.
Literal na pagsasalin
EN: Please read about all the cool after-school programs we're offering this March.
TL: Mangyaring basahin ang tungkol sa lahat ng mga cool na programa pagkatapos ng paaralan na inaalok namin ngayong Marso.
TL binago: Mangyaring basahin ang tungkol sa lahat ng mga cool na programa pagkatapos ng klase na inaalok namin ngayong Marso.
EN: Using of phones is not allowed during school hours.
TL: Hindi pinapayagan ang paggamit ng mga telepono sa oras ng paaralan.
TL binago: Hindi pinapayagan ang paggamit ng mga telepono sa oras ng klase.
EN: This program will delete garbage files.
TL: Buburahin ng programang ito ang mga file ng basura.
TL binago: Buburahin ng programang ito ang mga file na basura.
Ang isa pang uri ng kamalian na mas laganap din sa buwan ng Pebrero kumpara sa mga nakaraang buwan ay ang literal na pagsasalin. Pakisubukang mabuti na magbigay ng mas mahusay na mga pagsasalin at iwasan ang ganitong pagkakamali. Minsan ay kailangan lang talaga nating basahin nang maraming beses ang mga mahihirap na pangungusap bago tayo maliwanagan tungkol sa tamang pagsasalin.
Maling pagsasalin
EN: Students may check those items in upon arrival.
TL: Maaaring suriin ng mga mag-aaral ang mga bagay na iyon sa pagdating nila.
TL binago: Maaaring i-check in ng mga mag-aaral ang mga bagay na iyon pagdating nila.
EN: I apologize for the late notice, due to being off track.
TL: Humihingi ako ng paumanhin para sa huling abiso, dahil sa pagkalito.
TL binago: Humihingi ako ng paumanhin para sa huling pag-abiso, dahil sa pagiging sobrang abala.
Ng vs nang
EN: Self-report a positive test here.
TL: I-ulat ng sarili ang positibong resulta ng test dito.
TL binago: I-ulat nang sarili ng positibong resulta ng test dito.
May iilang kaso din ng maling pagsasalin sa buwan na ito, at bihirang kaso ng maling paggamit ng ng at nang, tulad ng mga halimbawa sa itaas. Napakahalaga ng mga bagay na ito, at umaasa ako na sa darating na mga buwan ay mababawasan, o di kaya'y lubusang maiwasan, ang mga ganitong kaso.
Hanggang dito na lang muna. Huwag mag-atubiling mag-iwan ng komento o suhestiyon kung may nais kayong ibahagi. Lahat tayo ay maaaring matuto mula sa isa’t isa, at iyon ang kagandahan ng forum na ito.
Magandang araw sa inyong lahat, at magkita-kita tayong muli sa susunod na buwan!
0 comments